12 years

Naalala ko nung araw ng kasal namin, tinanong kami ng pari kung bakit yun ang napili naming araw. Wednesday din yon, sa simbahan kung saan niya ako unang niyayang magsimba.

Ang daming beses ko na yata kinuwento kung paano kami nagsimula ni Jolo. Baka nagsasawa na kayo magbasa hehe. Pero yung totoo? Ang sarap kasing bumalik sa mga araw na yon. Yung mga araw na malaya pa kaming nakakagalaw at nakakagala ng magkasama. Lols! Pero seryoso, na-aamaze pa rin ako kapag binabalikan kung paano kami nagsimula.

Ang prayer ko lang noon ay isang taong kayang sakyan yung topak ko at aayain akong magsimba. Totoo yan! E nung ika-2nd month namin nag-aya siya, it’s a sign! Kada buwan, nagpapasalamat ako kay Lord na nag-stay siya. Haha. Hanggang sa umabot na nga ng kasalan at umabot na sa ngayon. Ngayon iba na ung prayer ko. ‘Lord, subukan niya lang magloko, conjugal property lahat, may papel ako. Lols!

Hindi man madali ang bawat araw para sakin, araw araw kong pinagpapasalamat na siya ang kasama ko. Sa kanya ako humuhot ng lakas. Parang kaya ko lahat dahil kasama ko siya. Kahit na minsan, talagang mas nakakainis siya. Haha.

Thank you Lord for 12 years. Salamat sa naguumapaw na blessings na ipinagkakaloob mo sa amin ng pamilya ko. Salamat na nananatili kaming malakas at walang sakit, lalo na ang mga bata. Sobra nga po nilang lakas madalas ako ang nalolowbat. Char! Salamat sa nag-uumapaw na pagmamahal mula sa mga taong ipinapaligid mo sa amin. Salamat sa pagsagot sa aming mga dasal.

Jolo was never the man I dreamed of. He was the man I prayed for. I am forever grateful that He did not make my dream come true. Instead, he answered my prayer.

12. 6. 2. Taya na natin sa lotto?

For the past years, lagi kaming gumagala. Kaso pandemic ngayon huhu. Nakakalungkot man na wala kaming ‘field trip’, ang mahalaga lahat kami ay malakas at walang sakit.

Kung bibigyan ako ng pagkakataong bumalik sa 12 years ago, wala akong babaguhin. Hindi naging madali ang mga pinagdaanan namin pero yun ang nagpatatag sa amin. At kung lilipas man ang maraming taon pa at hanggang sa susunod na buhay kung makakaalala pa ako, I will choose the same person. ❤️

Salamat, Lord! ❤️

Walang field trip ngayon kaya food trip na lang sa bahay

One thought on “12 years

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s