Anxiety During This Pandemic

No doubt, this pandemic is bringing too much anxiety to many. I guess lalo na for moms like me na may mga bata pang anak.

Sunod-sunod na ang mga unfortunate events sa paligid. Whether related to CoVid or not, I have to admit it’s bothering me a lot, lately.

I used to thing that we can fight this pandemic. I was so positive, wala akong iniisip talaga. Until last Sunday, when a former officemate died of pneumonia. He was suspected to have CoVid but was never tested. Doon na ako nabother. I started thinking and thinking of the virus and all its what ifs. I’ve been reading a lot to make sure I am updated. Not knowing that it is slowly eating me and have come to have anxiety.

Days ago, hubs complaint of a joint pain on his left knee. Ayan na, nagbasa na naman ako ng symptoms. Kahapon, nakaramdam ako ng ngalay sa pagkakahiga. With that, I assumed I was chasing my breath kahit hindi naman talaga. Last night, I wasn’t able to sleep. Today, wala akong ganang kumain but I feel hungry from time to time. I talked to a friend about this. She said I was experiencing anxiety.

Too much info siguro no? I got too overwhelmed na simpleng bagay na lang naiisip ko na baka virus na. One thing is just clear to me: I don’t want any of us to get infected kasi pano na lang ang mga bata at si mama? Ang clingy pa naman ni Jela.

My point is, with what’s going on around us, hindi talaga maiiwasan na mag-isip tungkol sa mga bagay-bagay. But too much thinking wouldn’t help. I find myself incapable of doing my daily activities because I am anxious. I am busy feeding myself with information na hindi ko alam ay ginugulo na yung isipan ko. Tama naman na dapat ay informed tayo so we know what to do or how to respond. Pero hindi rin pala tama yung too much information. I never thought I will be in this situation. Isa na ako ngayon sa mga taong nagpapanic because of the virus.

I guess it’s not only social distancing that we need, but SOCIAL MEDIA DISTANCING too. Hindi nakakatulong magbabad sa social media. Hindi nakakatulong magbasa ng CoVid diaries ng iba, lalo na kung nandun ka na sa point na sobrang natatakot ka na. Hindi ko alam bakit ngayon ko lang na-realize to. I used to joke na hindi yata ako sa CoVid mamamatay kung hindi sa anxiety.

So yun lang. I’m trying my best to live my normal life at hindi magpaapekto sa mga nababasa, nakikita at naririnig ko. I’m trying na din to distance myself from social media. Sana matapos na to – yung anxiety ko at yung pandemic.

I wish everyone well. Wag tayong masyadong magfocus sa virus. Let’s check din yung mental health natin at ng mga taong nakapaligid sa atin. If you are experiencing anxiety, talk to your friends, your trusted person, or anyone you’re comfortable to talk to. You may also reach out to me and let’s try to figure this out together. Don’t let our thoughts dig deep into us na kinakain na yung mind set natin. Always look on the positive side. Libangin ang sarili sa ibang bagay. At pinakamahalaga sa lahat, magdasal.

Nakakatakot itong pandemic. Pero mas nakakatakot yata yung tuluyan tayong mawala sa sarili dala ng takot at pangamba. Kasabay ng paglaban natin sa virus, labanan din natin ang anxiety natin. Try to reach out and check your friends, too.

Stay at home guys, please? Praying that this will end soon. Keep safe!

7 thoughts on “Anxiety During This Pandemic

  1. Nakakapraning talaga. Konting kumati lalamunan ko or maubo saglit, feeling ko ayan na siya. Nag-log out na din ako ulit sa FB gawa nang nagiging sensitive na ko sa mga negative posts at pumapatol na. Haha.

    1. Kasi I followed al the news accounts! Even sa Viber. Ayan. So ngayon unfollow everyone ako haha. Will stay lang sa messenger kasi I also feel the need to reach out to friends. 🙂 miss you momsh!

    1. Kaya umiiwas na ako magbasa o makinig ng mga stories ng mga positive. Kasi bawat sintomas nila feeling ko na meron na ako

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s