Our Engagement Story

Dahil may mga nagpropose sa Bawal Judgemental segment ng Eat Bulaga, let me relive the time the mister proposed to me.

FACT: He proposed TWICE.

Or so I thought. Baka kasi nanaginip lang siya or ako non? HAHA.

The first was unplanned. We were in Puerto Princessa for our anniversary. Because our tour is always scheduled as early as 5 or 6 in the morning, I slept early. I thought He was still working because he was on his laptop. He woke me up at 12 midnight to greet me. Hindi ko na yata maalala exactly ano’ng ganap but I clearly remember he asked me ‘will you marry me?’ then of course, I said yes. He put something on my ring finger. Sabi niya ‘yan na lang muna’ hindi ko maalala ano na yung nilagay niya. Haha. After a little while, we both went off to sleep kasi the next day is another tour day. I lost the ‘ring’, can’t even remember what was it. Baka tulog pa yung diwa ko that time. Pero bakit nga ba ako nag-yes? Haha

The second and official was my birthday. 2013 – Papa woke me up because he said I have a visitor. I wasn’t really expecting him to arrive that early. Hindi kami morning person. We were both on leave tuwing birthday namin so just imagine gaano kasarap ang tulog ko that day. Haha. I always wanted my day to be special. Special as in magsisimba or maybe aalis, maglalakwatsa or magluluto sa bahay – ganon. Basta never na magtatrabaho ako. It’s my forced rest day. Lols.

So going back, he brought me a cake tapos sabi niya mag-ayos na ako, aalis daw kami. Okay. He actually asked me what’s my plan. I said, wala naman basta alis lang tayo, gala ganon. (Oo na, gala akong tao). Basta napunta kami sa Wildlife. Pagdating namin sa gate, may inabot sa akin yung guard or yung personnel sa entrance. Nagulat ako! May pa-amazing race ang lolo niyo! Apparently, it’s a puzzle na pictures naming dalawa. I need to find the rest of the puzzle through the clues na makukuha ko kung saan ko makikita yung next piece. Napagod ako don, grabe! Pero ha, don ko nalaman na ang laki pala ng buong park na yun! Haha. Yung end non was our framed collage pictures and a teddy bear.  Hahaha.

1044110_10200288199994121_446712070_n
Itsura ko naman di ba

1044951_10200288212634437_1612706688_n

So after ng nakakapagod at talaga namang nakakapawis na pa-amazing race ng lolo niyo, he asked me san ko gustong kumaen. Tawid daw kami sa Circle para don kumaen. SO ok. But we waited for a few more minutes before we left the park. Hindi ko alam pero sa lahat ng surprise, yun yung wala akong clue talaga at all! Tapos ang nasa isip ko e kung ano lang sinuot ko non talaga. Haha.

1013524_10200288207674313_791201790_n
May pictorial pa kunwaring naganap

After a call, niyaya niya na akong umalis. Wala rin akong idea na kakuntsaba pala yung nasa kabilang line. Pumara siya ng taxi. Nagtaka ako bakit sa circle lang kami pupunta e magtataxi pa samantalang tatawid lang kami? Turned out na may pinrepare nga kasi pala ang lolo niyo. Sa Bella Ibarra. Sosyal ha, BELLA IBARRA. Sa Quezon Ave. Ang sosyal ng lugar. Can you just imagine pawisan ako, nagpuputik yung paa sa pawis kakaikot sa wildlife TAPOS BELLA IBARRA? Sa gitna, there was a table na pinaghandaan with a bouquet of flowers and sobrang daming balloons on the floor. And guess what? WALANG IBANG TAO. I mean, of course there are the servers but no other guests than us. Ang romantic nung lugar. But I never had a hint that he would propose to me kasi nga all the while, I thought yun na yung proposal. OKay naman ako don, I wasn’t really expecting anything. I thought it was just my birthday.

Okay na, I felt so loved and special. After namin kumaen, wala paring guests. Haha. He was holding my hand, playing with my ring na binigay niya sakin on our first Christmas together when he said ‘palitan na natin yan’. syempre ako ‘ha?’ Doon na ako na-schock. May kinuha siya sa bag niya. Nilabas niya and asked ‘will you marry me?’ no luhod factor, just a plain question over the table. Ako naman, siyempre nag-YES na ako, babawiin ko pa ba? Matagal pa ata bago ako makasagot non haha. Medyo natulala ako non but I said yes syempre. Recalling his face that moment, he had the spark na sobrang saya niya. Sayang nanalo sa lotto ang peg! Lels.

998343_10200288226434782_400388083_n

Turned out that he planned it along with our friend coordinator – mula sa amazing race hanggang sa proposal. Ang epic lang, sa sobrang walang tao doon, walang documentation ng mga ganap. So as in wala kaming picture man lang during the proposal. Hehe.

Thinking about it, medyo fail talaga haha but we have the memory of it in our hearts.

I still feel the kilig up to this moment. Hindi ako magsasawang balik-balikan ang alaala ng arawna yon. We got married on our anniversary the year that followed.

The only and pinakamaayos na photo that we have

4 thoughts on “Our Engagement Story

  1. I’m kilig beshy! ❤ Also, okay lang not having documented it kasi feel ko ganyan din kami. I specifically told Kyx na wag magpopropose sa harap ng ibang tao kasi kako baka humindi ako kaya wag siyang magpapabida HAHAHAHAHA so if ganon, wala din magdodocument ng kilig ganap diba? Bat nagkukwento ako dito ahahha o basta ayun. Kilig ako. Ang effort ni Papa Jolz hahaha ❤

    1. Nagkataon lang na walang tao sa resto pero di niya talaga yun pinareserve as exclusive. Sadyang wala lang siguro masyadong kumakaen that time lalo na’t weekday and alanganin ung oras hehe. Di ko rin alam ano maffeel ko if ever may ibang tao don lols and minsan kasi maganda rin kahit konting pictures lang hahah

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s