Photoshoot Worth Less Than P500

For Jhia’s birthday, I want a decent photo of her that I couldn’t take randomly. Hindi kasi siya yung tipo na mahilig mag-pose or mag-smile sa camera. Kung hindi siya masungit, wacky pose naman. I wanted to have a photo shoot para maayos naman yung ilalagay sa invitation and other layouts that needed a picture.

Going to a studio would cost us a lot and we only have a certain budget for the party kaya nag-isip talaga ako kung saan ako makakatipid. Then I remember, frustrated photographer nga pala ako. Haha.

Sakto rin naman, pinopromote ng Valenzuela City yung bagong bukas na Family Park na nasa Karuhatan lang. So niyaya ko si mister at sinama ko rin yung pamangkin ko na favorite cousin nila at magaling sa picture and editing. Dala ang konting props at ang camera, off we went to Valenzuela Family Park.

We spent less than P500 in this photoshoot. How?

  • Libre ang entrance fee sa Valenzuela Family Park. Wala rin namang photoshoot fee dito. Ang kinagandahan pa, sakto sa outdoor setting na talagang gusto ko for her photo shoot.
  • Gamit ang aming camera, ako at ang pamangkin ko lang ang kumuha ng pictures. Hindi kami professionals ha. Ang usapan lang namin, idadaan na lang namin sa editing.
  • Our props included her stuffed toy and few balloons na pumutok din at hindi namin nagamit. Huhu.
  • Hindi na ko nagpagarbo pa to order or buy an outfit. Pumili na lang ako ng outfit na lilitaw yung pagkabagets niya and at the same time, presko suotin since nga sa ilalim ng araw kami magshu-shoot. May dala akong extra dress talaga but then again, moody si madam at nagkukumahog na mag-playground kaya wala ng pa-second outfit.

Naniniwala ako na perfect sa age na yung outdoor setting since toddlers are naturally explorative while yung toy to reflect her being sweet. Charot! Paniniwala ko lang yan, haha. So there, we did her photoshoot.

Nung umpisa, medyo topak ang bagets kasi natakot sa putok ng mga lobo. Ikiskis mo ba naman ‘day sa mga damo e di nagsiputukan isa-isa.

Sharing with you our top 3 favorite which we also printed and used for the event. We didn’t need that much, anyway.

This slideshow requires JavaScript.

Madami kaming fail shots, sa totoo lang. haha. Mahirap kunan ang lola mong Jhiabels at 1) nagtopak sa mga lobong pumutok. Ayaw niya na daw ng lobo. (e di wag at hindi na nga talaga kasi wala na); 2) inaantok pero 3) excited na maglaro sa playground. *roll eyes*

Ayon. So for those of you who also wants to have a photoshoot pero medyo tight ang budget, maybe you can do the same and discover the photographer and editor in you. Lalo nga ngayon, marami nang editing apps na madaling gamitin at pwedeng idownload sa phone. This way, mas malaki ang matitipid mo than going to photo studios or hiring a professional photographer. Also, there are tutorials sa YouTube for editing.

Para sa ating mga Pinoy, mahalaga yung mga celebration gaya ng birthdays, binyag, anniversary, etc. but that doesn’t mean that we need to have a grand celebration or kailangan maging mayaman. We can always have a simple pero mas enjoyable na celebration. And we can always go on a budget basta imamaximize mo yung skills at hidden talents niyo. Who knows, pwede kang makakuha ng opportunity di ba. Let’s be practical. Mas mahalaga yung mga taong nakaalala at yung saya ng celebration than the cost we spent for it. ❤️

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s