Roseola Infantum

Last week, just as Jela turned six months old, she went sick. It started with a slight fever but eventually went up to 38.6C. She had lab test twice – both with normal results ruling out Dengue. (Thank you, Lord!) After more than 24 hours, fever finally subsided. The next day, we noticed rashes all over her.

Roseola Infantum or most commonly known as Tigdas Hangin, is common in children below two years old. Ito ay karaniwang nagsisimula sa lagnat na kadalasan ay mataas. Once na mawala ang lagnat, doon naman nagsisimula ang rashes. Ito ay viral at karaniwang nakakahawa habang naglalagnat ang bata. Roseola isn’t much of a concern as Measles. Iba ang Tigdas sa Tigdas Hangin. Ang Tigdas ay malala that could even lead to death. Ang tigdas hangin ay karaniwang viral infection lamang na gumagaling din naman agad.

How to manage Roseola? Simple lang. Bantayan ang bata habang naglalagnat. Maari kasing mag-high fever ang bata sa Roseola. Ito yung iniingatan natin at iniiwasan ang mga komplikasyong dulot ng mataas na lagnat gaya ng seizure o pag-kombulsiyon. Ito din yung phase na nakakahawa. Kapag naman lumabas nawala na ang lagnat at lumabas ang rashes ay di naman na ito dapat ikabahala.

Ang point ko lang naman talaga e na hindi ganun kalala ang sakit ng ating mga anak ay dapat parin tayong maging mapag-obserba sa mga sintomas na pinapakita nila. Dapat din ay aware tayo sa mga sakit lalo na ngayong may mga outbreaks. Ang Roseola Infantum ay mababang case compared sa mga Tigdas, Dengue o kung ano pang malalamg sakit pero hindi ibig sabihin non ay dapat na maging kampante na tayo. Maging mapag-obserba, dalhin ang nga bata sa doctor kapag hindi panatag ang loob mo sa kung ano ang nararamdaman ng pasyente.

Disclaimer: hindi po ako nurse o doctor. Gusto ko lang i-share yung naranasan ko bilang kakagaling lang ng anak ko sa tigdas hangin. Bilang isang ina, mahirap kapag maysakit ang anak mo. Lalo na sa baby na hindi naman nakakapagsalita kung ano ang eksakto nilang nararamdaman. Kaya sana, tayong mga magulang e wag nating ipagsawalang bahala ang simpleng lagnat – kahit pa sinat lang yan. Bantayang mabuti ang mga bagets at isa sa pinakaimportante sa lahat ay panatilihing malinis ang kapaligiran.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s