Isang Taong Chismisan sa Kapitbahay

August 8 – the day the GC was created.

Nagsimula lang yon sa simpleng check-up ni Mak. Mula sa TFIOB GC, gumawa siya ng isa pang group chat na puro lang girls dahil nga usapang matres yon. Hindi ko nga rin alam bakit ako nasama don e. Looking back, it was awkward at first. Yung wala akong masabi kung hindi ‘kaya mo yan’, ‘oo, ganyan talaga’ at ‘ingat’. Tapos the next day ‘o, kamusta? Ano’ng sabi (ng doctor)?’. Ganun lang. Tapos, tamang basa lang ng mga chat nila. Kasi feeling ko nun, magkakakilala na sila e. Tapos ako bago lang. May pinag-uusapan na sila, nakakarelate na sila sa isa’t-isa tapos ako, bagong entra, nakikiramdam lang, ganon. Kung kilala niyo kasi ako, hindi talaga ko yung tipo na madaldal agad sa unang meet. Ako yung pangiti-ngiti lang, nakikiramdam, ganon. Mahiyain talaga ako in real life. Hehe.

Going back, it was awkward at first. But then, I find no reason to turn away from them. Masaya silang kausap. Masayang basahin ung mga chat nila. And it felt like I was back in 2009. Yung panahong uso ang send to many. Ang difference lang e via messenger na ngayon. Hindi ka rin ma-o-op kahit na hindi ka pala reply sa kanila. Basta, masaya lang, ganon.

Bakit nga ba ‘kapitbahay’? Wala lang, kasi dahil nagchichismisan kami non about sa maraming bagay na parang wala kaming mga ginagawa sa buhay e ayon, naisipan naming pangalanang kapitbahay ang gc. Kami yung tipo ng magkakapitbahay na nasa isang tabi at pinag-uusapan ang kung ano-ano. Yung mga tipong habang nagsasampay e chumichika sa kabilang bakod.

September 14 nang una ko sila ma-meet in person. Again, shy type ako. Nasa foodcourt lang kami non sa Landmark. Kakahintay, hindi na kami nakaalis don. Haha. Doon ko na-meet sila Jas, Mak at Mikay, na kasama ko sa GC. Dumating din sila James at kuya Keso na from TFIOB. At syempre, si A, na friend ko pa from high school at siya ring nag-add saken sa group ng mga bloggers. Hindi naman ako masyadong dumaldal non pero kahit pano e nakatulong yun saken para mas iinvolve ko yung sarili ko sa kanila.

From then on, sila na ang lagi kong ka-chika. Ano mang pangyayari sa buhay ko, anumang pinagdadaanan ko, minsan sa kanila ko lang nailalabas. Yung mga rants ko, happiness, achievements in life, and everything. Lalim! Pero ayun nga, naging komportable na ako mag-share sa kanila knowing na mapagkakatiwalaan naman sila na hindi nila yon ite-take against me someday. Charot!

Pero di lang yun ah. Sabay-sabay kaming humaharap sa mga laban ng buhay. May kanya kanya kaming issues sa life pero the good thing about having them is that they will make you feel that you are not alone. Damayan. Parang literal na magkapitbahay na nag-aabutan ng pagkain at nag-uutangan, ganon.

Madami din akong natutunan sa kanila. We’re a group of different people. Pero sa difference namin  na yon ako maraming natututunan sa buhay. And ot’s not just random general information but life lessons talaga.

If not for this people, I couldn’t imagine what I am right now. Totoo lang. I mean, being a stay at home with only the kids around at lalo na a toddler and an infant, while the mister is at work, there are times when I feel like I’d lose my sanity. I have other sets of friends, of course, pero most are busy with their own careers. Or mommy friends na busy din with their kids or having their own issues na baka mas malala pa sa akin o baka makadagdag lang ako. At least in this group, iba iba ang tao. May working mom, stay at home mom. May single, may taken, mga ganun! So I get to hear different ideas and points of view. Kaya mahal ko na yung mga taong to e. In them, I’ve found a friend na hindi lang basta basta mami-meet sa school o opisinang pinanggalingan mo. In them, I’ve found comfort in times na nawawala na naman ako sa sarili ko. In them, I’ve found sisters na nakakabonding ko virtually.

To my kapitbahays – A, Meg, Jas, Mak, Aila, Mikay, Rhea,

I will be forever thankful to you guys for being around. You may not be aware most of the time, but you were there just when I needed you. Salamat sa chikahan moments, tawanan, sakayan ng trip, sa lahat ng shineshare ninyo sa akin. Marami talaga akong pinagdaanan lalo na the past year pero you were there to make me feel na hindi ako nag-iisa.

Most importantly, thank you for being YOU and for letting me know you.

Mahal ko kayo, neighbors!

Cheers to more chikahan and tawanan over the struggles that we have in life! Looking forward to more gc moments with you. ❤

insert Rhea and Meggy

4 thoughts on “Isang Taong Chismisan sa Kapitbahay

  1. Mahal kita mamsh! Salamat sa pagccheck saken lagi kapag gabi na akong nakakauwi. And sa mga random messages naten sa kapitbahay, sobrang nakakataba ng puso kasi kahit may mga moments na hindi sumasagot ang bawat isa eh normal lang at backread lang ang tanging solusyon para magig updated sa lahat. Biruin mo kahit si Aila na laging MIA eh nakakasunod padin. Hahaha.

    Cheers to more Chismisan, learning, kulitan and sending randoms videos and selfies. hahaha See you Sunday! ❤ ❤

  2. Kakilig! Happy anniversary beshy!! love you ❤ ang saya saya kasi naging kaibigan kita. Sobrang thankful ako sa Diyos seryoso ❤

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s