Don’t Judge Me

Yesterday, while waiting for our turn sa napakahabang pila sa Landers, nagising si Jela at nag-iiyak. Inisip kong padedehin siya kaya naupo ako sa tabi ng dalawang senior citizen na malamang ay pagod na sa pagtayo sa pila. Kasunod ko si Jhia na siya namang naglalaro din na palipat lipat sa mga upuan. Napapansin ko nang nakatingin sa amin yung isang matanda – kay jhia, sa akin, kay Jhia, sa akin ulit. Hindi ko alam kung ano’ng tumatakbo sa isip niya but I feel like she’s trying to guess how old is the little girl and me.

Ilang beses na ba? Yung totoo, sanay na akong makareceive ng judgemental stare. Batang ina. Ang bata nag-asawa. Bata pa dalawa na anak. I heard of them all, real life!

Naalala ko, nitong  huling wedding lang na inattendan namin, may isang babae na lumapit sa akin. Nakatayo ako non at inaaliw si Jela habang si Jhia naman, palakad lakad. Nahagip na siya ng peripheral vision ko na patingin tingin. Siguro di siya nakatiis, tinanong niya ako:(non-verbatim)

Babae: Anak mo yan? (referring to Jela)
Ako: Opo.
B: Anak mo rin yon? (pointing to Jhia)
A: Opo.
B: Asawa mo yon? (pointing to the mister)
A: Opo.
[akala ko tapos na kasi parang palayo na siya. Yun pala, wait, there’s more!]
B: Ilang taon ka na ba? Parang ang bata niyo pa.
A: 30 na po kami. (sabay smile)
B: Ahh. Mukha kayong bata akala ko ang bata niyo nag-asawa.

At siya’y nanahimik at muling umupo. Hehe.

Hindi ko alam kung bakit at di rin naman sa ginagawa kong big deal, pero iba kasi ung feeling na tinitignan ka with judgement. Lalo na sa mga senior, napansin ko na parang ang sama mo ng tao kapag maaga kang nag-asawa o nag-anak. With all due respect to seniors po, hindi po siguro tama sa paningin niyo ung maagang pag-aasawa. Pero wag po tayong judgemental. Mukha lang po akong bata. Hehe.

Naalala ko ung matandang nakasakay ko sa tricycle dati. Si Jhia pa lang ang anak ko non, mga 1+ siya. Tinanong niya talaga kung ilang taon na ako. 29 ata ako non so sinabi ko. Never ko naman dineny yung edad ko. Sabi niya akala niya daw bata pa ako.

Ano po bang problema don? Hehe. Minsan, gusto ko ng maglagay ng karatula ng edad ko para di na kayo magtanong. Hehe. Nakakalusaw po kasi yung mga tingin niyo na kahit haka haka lang yang nabubuo sa isip ninyo e nakaka-conscious po.

Wag sana tayo maging judgemental. I admit naman na nagiging judger din ako minsan kaya ang ginagawa ko nalang e inaalis ko yung tingin ko. Nakakaconscious kasi kahit di naman ako guilty sa accusation ninyo.

I married at the age of 26. Gave birth to Jhia at 28 and to Jela at 30. Pangarap ko talaga maka-dalawa by the age of 30 at hanggang dun lang. Sana. Hehe.

Today, I’m 31. Please stop judging me.

3 thoughts on “Don’t Judge Me

  1. Karamihan kasi ngayon, mema lang talaga. Hindi ba’t uso sa henerasyong Baby Boomer at Gen X yung nag-aasawa nang maaga? Mas delayed nga magpakasal ang mga millennial ngayon, kung tutuusin.

  2. Ang mga oldies kasi, hindi nila tanggap ung change na nangyayari. Para sa kanila, kasalanan ang mag-anak ng maaga. at inaapply nila yon sa lahat. Ang tatalas pa naman tumingin!

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s