Measles Outbreak and Immunization

Measles outbreak was declared by DOH last Thursday after alarming increase of cases in Metro Manila and various regions. Death of some were also recorded.

Sa dami nga  ng nababalitang mga batang nagkakasakit at namamatay due to measles, sino ba namang ina ang hindi mag-aalala para sa anak? So here, I’m sharing a few points with you.

Measles is a highly contagious disease. It is air-borne and can be spread through coughing and sneezing. Ang initial symptoms nito is fever, cough and colds, redness of eye and rashes. Complications that can lead to death can occur if not addressed immediately. Kaya on the onset palang ng fever, naka-monitor na dapat tayo. And when it last for more than 48 hours, wag na sana tayong mag-atubili na dalahin yung bata sa doctor.

Mga dapat gawin kapag may lagnat:

  • Give Paracetamol kapag 37.8 pataas ang temperature.
  • Kapag mataas ang lagnat, punasan ng bimpong binasa ng tap water. No alcohol, no ice, plain tap water lang. Punasan ang leeg, kili kili, mga singit – yung mga parte ng katawan na tago o hindi naeexpose sa hangin.
  • Wag tapatan ng electric fan o ibalot  ng kumot. Hayaan lang mahanginan ng tama. Mag-jacket lamang kung nilalamig.
  • Monitor the temperature using a thermometer. Wag tayong pakampante sa hipo system o yung papakiramdaman lang ng kamay ang noo o leeg.
  • Keep the patient hydrated. Painumin ng tubig o di kaya ay pahigupin ng sabaw kung walang ganang kumain. Hayaan din matulog para makapagpahinga.
  • Kung more than 24 hours nang mataas ang lagnat, kumonsulta na agad sa doctor.

As much as possible, do not self-medicate. Paracetamol is okay for fever. Pero to address other illnesses, wag tayong basta basta magpainom ng gamot lalo na sa bata. Baka instead na mapagaling ang may sakit e mas lalo pa itong magkasakit.

Be informed. Sa panahon ngayon, madali ka ng maka-access sa information bilang kahit sa Facebook lang e meron at meron kang mababasa. If you can post something about your daily life, sure you can also read something about the diseases na meron ngayon.

Get vaccinated. Isa ito sa pinaguusapan ngayon. Kaya daw maraming naapektuhan ng measles ay dahil marami din ang hindi nagpa-bakuna sa kanilang mga anak dahil sa Dengvaxia scare.

Just to share with you, I once had a talk with the mister regarding immunization. Sabi ko kasi sa kanya, itong si baby #2, sa Center namin ipa-vaccine. He was hesitant. Siya mismo may trust issues sa vaccines na binibigay sa center following Dengvaxia scare. Ang akin naman kasi, most of my mommy friends had their children vaccinated sa mga local health centers and they’re all doing well. These babies are the same age with Jhia. I honestly feel the indifference sometimes kasi ako lang ata yung pedia-dependent. One of them pointed out that we should maximize the taxes we pay by making use of local facilities – health centers included.

Going back, even before Dengvaxia naman ay tinuturok na ang MMR (Measles, Mumps, Rubella) vaccine sa mga local health centers and never naman nagkaron ng issue. Yung Dengvaxia kasi is bagong vaccine to address Dengue and avoid further complications to infected patients. Apparently, it was found out that it poses higher risks for people without prior dengue infection. In short, dapat matusukan ka lang non kung nagka-Dengue ka na and not as prevention para sa mga hindi pa nagkaka-Dengue. So there, iba siya sa case ng MMR which we should have our children vaccinated as prevention for measles. If you have trust issues with what the government provides and has an extra budget, go to a private pedia.

After the outbreak was declared, a lot of parents are bringing their kids – mostly infants – to medical facilities to get them vaccinated. May mga representatives na din na nagpupunta sa mga schools at rural areas para turukan ang mga bata. Let’s take these all seriously. Hindi biro ang magka-tigdas, higit lalong mawalan ng anak ng dahil dito. After all, it’s our call as parents.

Let’s keep in mind that money come and go but the life of our beloved child is only one. Kapag may sakit at nangangailangan ng medical attention, takbo na agad sa ospital. May you be a nurse, or a doctor or any person in the medical field or not, it’s always best to consult a specialist when it comes to our children.

Praying for everyone’s wellness.

 

2 thoughts on “Measles Outbreak and Immunization

  1. I have an officemate na sabi niya matagal na daw yang measle outbreak hindi lang inannounce ng DOH. Tapos, kaya siguro lumala kasi people were scared to be vaccinated due to dengvaxia. Watcha think?

    1. True na ung outbreak is bcos parents don’t allow their kids be vaccinated due to Dengvaxia scare. Sa isang school daw, out of 3 sections 10% lang ang nagpabakuna nong nag offer ang school ng vaccine. Pero iba naman kasi si Dengvaxia kay MMR at delikado talaga ang measles kaya ako, I suggest talaga pabakunahan ang mga bata.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s