How Terrible is Two

Two is the age when kids begin to explore the things around them. Eto yung time na namumulot sila ng kung ano tapos isusubo, lahat gusto i-try, lahat ng makita gusto gayahin. Eto yung age na feeling ata nila malaki na sila at kaya na. Eto yung edad na nasa peak yata sila ng energy nila. That’s why they call it the ‘terrible two’.

img_1630

When the little kid turned two, I thought she would be different. I mean, she talks a lot, makulit din just like other kids but I can control her somehow. Hindi ko problema ang tantrums kasi madali naman siyang paliwanagan. I can make her follow with just an eye to eye. Madali lang pala. Akala ko ganun lang yun kadali.

Halfway to three, eto na. Marunong na siya mag-insist. Alam niya na kung ano ung gusto niya. Not that she doesn’t listen at all pero may katigasan na din ng ulo. Lumalabas na din ang mga kalokohan at kapilyahan. Higit sa lahat, dahil matatas ng magsalita, marunong nang mangatwiran at mag-excuse.

img_1291There was a time when we would always find her trying to put her fingers in the electric fan. As if testing kung mapapahinto niya siguro yung elesi o kung pano’ng masasaktan siya don. What ever was going in her mind, I have no idea. One day, she just shouted and cried. Tuluyan niya na palang nasundot yung electric fan. Ayon, sugat, dugo. Since then, ayaw niya nang lumapit don sa electric fan.

One time, I let her out while daddy was doing a car wash. Naglalaro siya ng bato. I was hesitant thinking na madumi yun. It wouldn’t hurt her at all pero madumi na pwede siyang magkasakit. I kept saying no pero ayaw niyang tumigil. Hanggang sa hinayaan ko nalang siya and just told her na wag isubo ang kamay instead of wag maglaro ng mga bato. Nung pumasok na kami sa loob, nilinisan ko nalang siya agad.

As parents, we want them to be protected from any harm. Kaya naman we tend to say no even before they try. But until when are we going to say no? As with the electric fan incident, it’s not that I let her learn by experiencing it. There was no one around when she put her fingers on it that time. Nagulat na lang kami bigla siyang nag-iiyak. Wala na akong nagawa kung hindi yakapin nalang siya at isang malambing na ‘now, you know’ sabay linis ng sugat. Sa paglalaro naman ng bato, it made me realize somehow na paano nga naman siya matututo kung hindi ko siya hahayaan minsan, di ba? Ang importante, nakabantay ako sa kung ano man ang maisip niyang next na gawin pero sa kung sa dumi at sa sakit na maari niyang makuha doon, nilinisan ko nalang siya agad pagkatapos para kumaen man siya o maisubo man ang kamay e maiwasan ang sakit.

img_8347

I guess, minsan, it also depends on the parents. Toddlers are naturally explorative. Syempre, marami silang gustong malaman at matutunan. Tayo, bilang magulang at mas nakatatanda ang gagabay sa kanila. It’s up to us on how are we going to react to their curiousity. Sana lang, wag tayong maging over protective to the point na hindi nasasatisfy ang curiousity nila.

What I’m trying to say is that being two, they’re not terrible at all. I think they’re just being more adorable for learning on their own. My toddler started to learn to take off her clothes and shoes on her own, to pee in the toilet, to help in the daily chores. Her insistent ‘ako na’ gives me a mix of being proud that she’s learning but at the same time feeling sad that it might be the beginning of her independency. Huhu. But she has to learn, right? That’s one more thing – toddlers begin to learn kaya din minsan, nangungulit sila. Jhia would always want to watch her dad while cooking while the latter becomes annoyed sometimes kasi nag-aaalala siya baka matalsikan ng mantika, o makabasag ng pinggan. You see, things like these are learnings to them pero pangungulit yun sa atin.

Ang mga bata, madali silang matuto. Madali silang maturuan, they have sharp memories na kung ano mang ituro o sabihin mo ng paulit-ulit, madaling mapapasok sa isip  nila. Magaling silang manggaya ng kung ano’ng naririnig o nakikita nila sa mas nakakatanda. Kaya nga sabi nila, start ’em young. Kasabay nito, mabilis lang lumipas ang mga araw kaya let them be kids. Kaya tayo sa parents,  let’s be more patient with them and matyaga sa pagpapaliwanag at pagbantay sa mga ineexplore nila. Huwag sana tayong maging over protective, let them learn. Not to the point na hayaan natin silang mapahamak, siyempre. Dun lang sa hayaan natin silang matutunan on their own.

Two is not terrible, after all. ❤

img_9519

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s