Unang Taon

Nabanggit ko na ba dati na si Papa at ang mga kapatid niya lahat ay marunong masarap magluto? Wala sa kanilang hindi magaling magluto. If only they’re younger, they’d make a good caterer. Or perhaps, they’ll have a family resto.

Speaking, dahil babang luksa ni Papa ngayon, imbis na magpaluto kami o mag-order sa resto e nag-potluck kami. I mean, sila pala. Yung mga kapatid ni Papa, they each brought their specialties – Kare kare kay Ninang Mameng, Embotido ni Dete Aning, Palabok ng ate Iska. Tapos si Sans nagluto ng Menudo na specialty ni Papa at Caldereta, si Diko nagdala ng pinagmamalaki niyang Country Chicken. Ilan na yon? Idagdag mo pa yung Kutsinta na dala ni Tiya Tita at Mminatamis na beans na hindi ko alam kung sino nagdala hehe. Habang nag-order kami ng famous Lumpiang Ubod ng Ramelyn’s. Solb!

Kung nabubuhay si Papa, he always wanted to invite his siblings in his every occasion. Kumpleto din ang mga apo niyang nandito sa bansa kaya malamang, kung nakita niya kami, masaya siya. Kasi magkakasama kaming inaalala siya. Kasi, isa sa pinakamahalagang turo niya ay ang kahalagahan ng pamilya. Pero kung nandito pa siya, wala itong araw na ‘to……………..

Isang taon na yon. Ang bilis no? Pero fresh pa lahat yon sa isip ko. At walang araw na lumipas na hindi ko siya namiss. At walang gabi na hindi ko nakita sa pagpikit ng mata ko yung pinakamabilis na limang araw sa buhay ko. Hanggang ngayon, minsan nagtatanong parin ako kung bakit dumating yung araw na yon. Well, I know for a fact that it will happen – we will all come to our end I just never expected that it would be that soon. Sabi ko nga, surprise e. Walang sign. Walang paramdam. Wala, kahit ano. Kaya lahat kami, nabigla.

Isang taon. Alam ko naman na masaya siya. Kasi kung nasan man siya ngayon, wala ng paghihirap don, wala nang bawal, ni walang mga gamot. Hindi ko lang maiwasan na mag-isip minsan. What if. What if nandito pa siya.

I know I’m not supposed to be crying right now. Di ko alam kung na-mention ko na to, pero hindi talaga ako ganun ka-expressive sa emotions ko, lalo na sa family ko. Kaya siguro, isa sa mga pinagsisihan ko na sana mas naexpress ko kung gaano ko siya naappreciate nung nandito pa siya. Totoo no? You’ll never know how much a person means to you until they’re gone.

May nabasa ako e tapos it reminded me of him. Isa si Papa sa unang bumili ng ipit para kay Jhia e, nung bagong panganak palang siya. Malalaki yung clip e saka medyo matulis kaya di ko agad naisuot kay Jhia, Nasuot ko lang yun nung mahaba na talaga yung buhok niya. Sayang, hindi niya na ata nakitang suot niya yun. Wala, hindi naman to related pero naalala ko lang, Isa to sa lagi kong iniiyakan na memory ko sa kanya. Sayang, hindi pa alam  ni Jhia yon.

I miss you, Pa. Alam kong masaya ka kung nasan ka man ngayon. Wag kang mag-alala kung makita mo akong umiiyak o marinig mo ako. Namimiss lang kita. I love you. Sana alam mo yon. At sana, I’m making you proud.

IMG_2612

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s