Driver’s License Application

Kahapon ay nagpunta kami sa LTO Licensing Office sa Guiguinto, Bulacan para kumuha ng Non-Professional Driver’s License. I’ve been learning to drive for months now kasi para just in case wala si kuya or si mister and needed to drive, I can. Or so I can alternate with the mister during long drives para di naman siya super pagod. I had my Student License last April so I guess, it’s just about time. Plus, we took the chance for the priority lane. 

True enough, I think mas mabilis naman talaga when you’re on the priority lane. We arrived at around 6am and despite the long queue, I stood second on the line. May isang Senior Citizen sa pinauna sa pila. Nagsimulang gumalaw ang pila around 7am.

Step by step process:

Step 1: Application

Bago ka bigyan ng application form, dapat kumpleto kana sa requirements. Kung kagaya ko na mag-aapply for a new license, you need a Medical Certificate plus yung Student License mo at yung application form. Isa-submit ito sa Window 1 kapalit ng isang papel na naglalaman ng queue number mo.

Medical Certificate
Pagdating namin don, tinuro kami ng guard sa Medical Examination Room. Tinanong ako ng kulay ng buhok at mata, tinimbang, sinukat yung height, pinagbasa ng Snellen Chart at pinagbayad ng P275. Yun na yon. Medical Certificate na.

Step 2: Picture Taking

Your queue number will appear on a screen situated on top of the windows. Sa Window 5 and next. Doon kukuhanan ka ng picture at papapirmahin.

Step 3: Payment

Pagkatapos sa Window 5, wait ulit na matawag ang number mo sa window 6. Medyo late si ate non pero dahil nga nasa Priority lane at pangalawa ako, mabilis naman ako natawag pagdating niya. I was asked for P168. Actually, P167.63 yon. P100 para sa exam at P67.63 computer fee. Syempre, wala nang suklian yun.

Step 4: Examination

After payment, proceed na sa Examination room. Ako ang unang pumasok. Naghintay lang ng mga iba pang examinees at maya-maya ay nagsimula na din ang exam. For non-pro license, 40 items yung exam. 30 ang dapat na makuha para maconsider ka as Passed. Magugulat ka ba kung sasabihin kong pasang-awa lang ako? 31. Nagulat din ako e haha. Madali naman yung exam dahil mostly ay common sense at meron namang papel na parang reviewer. Sadyang nahirapan lang ako dahil medyo malalim yung tagalog. Anyway, ang mahalaga, pumasa ako.

Ang susunod ay actual driving kung saan sasamahan ka ng isang parang proctor habang nagda-drive at i-a-assess ang driving skills mo. Medyo kinakabahan talaga ako non habang nagda-drive. Pero pumasa din naman ako. Hehe.

Sa actual driving, mas maganda kung meron kang sasakyang dala para yun ang magamit mo. Kung wala ka namang sasakyan, may mga pinapa-rent doon para magamit mo sa exam pero may bayad yon. Sabi ng pamangkin ko, P250 daw yon. Saglit kalang naman pag-da-drive-in. Isang ikot lang ng mga 1km. Hindi ka macoconsider na pasado kung hindi ka dadaan sa actual driving exam.

Step 4: Cashier ulit

If you passed both written and actual driving exam, you have to wait for the cashier to call you again. This time ang babayaran mo na ay ang lisensya mo. P568. P500 para sa lisensya at P67.63 computer fee ulit. And again, wala ng sukli. Mga 30mins ako siguro naghintay this time. Nasira pa kasi yung printer for about 10minutes kaya nagkaron ng delay. Pagkabayad ay tinawag ako sa Window 7. May binigay na form si kuya para fill out-an at isa-submit ko daw yon sa next window kapag natawag ang pangalan ko.

Step 5: Biometrics

After 10-15 minutes waiting time, natawag din ang pangalan ko sa Window F. Windows A, B, C at F ang kumukuha ng biometrics, I was called sa Window F. Here, you will see through a monitor as the personnel is typing your information tapos mag-scan ka ng fingerprints, kukuha ulit ng picture and lastly, signature. Pagkatapos, proceed na ulit sa Window 7 kung saan i-rerelease ang lisensya mo.

Step 6: Releasing

Yung iba, binibigyan ng iba pang queue number para sa releasing ng lisensya. Siguro dahil sa priority lane ako, madali akong natawag at narelease ang lisensya ko. Wala pang five minutes, natawag agad ako. Finally, may additional ID na ako.

____

Priority lane is a special lane intended for Senior Citizen, Person with Disabillity (PWD) and Pregnant Women. Excuse sila sa mahabang pila at maaring mauna. I have to commend the guards who are very particular with the priority lane at talagang pinapatayo nila ung mga nakaupo sa priority seat kung may matanda o buntis na dumating. Napaka-mapagpasensya din nila sa pagturo ng next step at pagsagot sa mga tanong ng mga applicants. Kudos to the guards of LTO Guiguinto!

I finished around past 11am. Not bad kasi sabi nila, usually daw ay inaabot ng isang araw sa pagprocess ng lisensya dahil nga sa dami ng taong kumukuha nito. 

REMINDERS kapag kukuha ka ng lisensya:

  • Dumating ng maaga, lalo na kung hindi ka kasali sa priority lane. 6am may be too early since 7am pa naman nagbubukas ang opisina pero sa 6am na yon, puno na ang 5 hanay ng mga upuan ng mga taong mag-aaply ng lisensya. 
  • Wear something comfortable kasi hindi naman yun aircon at hindi ko rin naman masabing well-ventilated lalo na siguro kung tirik ang araw. Pero tandaan na bawal ang sando o sleeveless, shorts at tsinelas. Pwede ang off shoulder pero ipapataas ito sa picture taking.
  • Magdala ng loose money lalo na sa umaga kasi mahirap magpabarya sa kanila. 
  • Wag basta basta susunod sa mga tao sa labas. Mas mabuting sa guard magtanong sa loob. 
  • Kung may dalang sasakyan, may mga parkingan sa labas pero pwedeng ipasok ang sasakyan kapag actual driving exam na lalo na kung ito ang gagamitin. It’s better to use your own car pagdating sa driving exam para di ka na magbayad ng rental. May mga nagpapapark sa labas basta suriing maigi ang paligid.
  • Wag na wag makikipag-transaction sa FIXERS.
  • Tiyak na magugutom ka sa paghihintay. Mas makakatipid kung magbabaon ng kahit na light snacks at tubig para din hindi mo na kailangan umalis sa pila habang naghihintay. Meron naman mapagbibilhan sa loob pero siyempre, may kamahalan.
  • Magbaon ulit ng pasensya dahil karaniwan talagang marami ang tao at hindi ganun kabilis ang proseso.

After all, hindi naman pala ganon kabulok ang sistema sa ibang Government Agencies. O, siguro e dahil sa naka-move on na sila sa mga backlogs kaya humupa na rin kahit pa’no ang tao sa LTO. At na-appreciate ko talaga kung paano ako na-guide ng mga guards as a pregnant woman. Mababait din ang mga personnel doon, except sa Cashier na late na e masungit pa. Over all, ok naman ang experience ko sa LTO Guiguinto.

Ayun. With that, I’ve got a new ID at di ko na kailangan mag-apply ng Postal ID na worth P500+ valid for only a year. A driver’s license is valid for 5 years.

Border_line

Did you know?
You can apply for a Student License and RENEW your driving license in LTO Satellite offices located in SM Malls. Mas madali doon and convenient. 

Border_line

3 thoughts on “Driver’s License Application

    1. Sa true! Haha. Mahal kasi Postal ID tas 1 year lang kailangan mo na ulit mag renew. Sana maapprove na yung national ID.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s