Dapitan Arcade: Shop for Cheap Christmas Decors

Christmas is here and I’m sure marami na sa atin ang nakapagkabit na ng Christmas Tree at nakapaglagay na ng mga kung ano-ano’ng Christmas display. It has been a Filipino tradition na maagang magsimula ang pasko. My parents used to start setting up the Christmas vibe at home soon as the -ber months start. But since this year is my dad’s first year in heaven, we went a little late.

Since ako ang naka-toka sa pag-aayos ngayon, I planned on something new, just for a change. Uso narin naman ang mga DIYs ngayon and I’m into crafts lately, I decided to give it a chance. I did not put up our old Christmas Tree and used mama’s ‘banga of bamboo sticks’ instead.

IMG_2596 1

So when my sister told me where I can find affordable Christmas decors, and being a fan of tiangge-an, nag-set na ako ng budget at ini-sched na ang pagpunta sa tinutukoy niyang bilihan ng mga pamaskong pangdekorasyon. Kasama si mama saka si Mister at bitbit si Jhia, we drove off to Dapitan Arcade.

Located in Dapitan, QC, Dapitan Arcade is where you can find several stalls that sell Christmas displays. Mula sa maliliit na display, table top, mga pansabit sa Christmas Tree hanggang sa lanterns, Christmas Tree mismo at maliliit at malalaking Santa Claus display – lahat mabibili mo doon sa murang halaga. Marami kang pagpipilian, pwede mo pang mahanap ang tindahan na nagbebenta ng pinakamura. Di lang yan, pwede mo pang tawaran. Oha! San ka dadalhin ng isang libo mo?

Eto ang mga nabili ko:

IMG_2584

Hanging Santa Claus: Original price is P400, got this for P350. Smaller version is worth P300. So for a difference of P50, dun na ako sa malaki diba.

IMG_2592 1

Garland: Original Price is P350. Binigay ni kuya ng P300 nalang, 9ft. Yung ibang napagtanungan ko is P600 and P800 for the same style. Ewan ba’t sobrang mura kay kuya pero kinuha ko na. Tatanggi pa ba ako di ba? each piece costs:
Garland na leaves – P150, 9ft
Ribbon – P100-150 (nakalimutan ko ilang meters)
Flowers – P200-250 per 12pcs
Christmas Balls – P180 yung maliliit, 24 pcs.

Merry Christmas sign: P75. Tatawad pa ba ako?

IMG_2587 1

Santa on mistletoe: Original price – P450. Tinanong ko si kuya kung walang bang Senior discount. Ayun at binawasan niya ng P50. Hehe. Si mama ang bumili nito.

O diba, swak na swak sa budget. Ang dami ko ng naiuwi sa isang libo ko.

Marami ka pang mabibiling iba-ibang items. Hindi ko na nilabas ang phone ko para magpicture kaya peram nalang kay manong Google.

 

Santa Claus display small: P150-P300
Hanging Santa: P200-P400, depende sa laki at style
Santa Claus Display big: P800-P1500
Christmas Belen – P1500
Christmas Lanterns: P1000-P1500
Pansabit sa Chirstmas Tree – P10-P50

At marami pang iba! Lahat ng hinahanap mo for Christmas decorations, mabibili mo dun ng murang mura. But before you go, here are some reminders:

  • Bring an ECOBAG. Para iwas plastic. Lakihan mo na para lahat kasya.
  • ASK. Hindi masamang tumawad. Ask for the last price o bawas sa original na presyo na binigay nila sayo. Kung nahihiya ka, daanin mo sa joke. Haha. I jokingly asked for a Senior Citizen discount and ayun, binawasan ni kuya yung original price. Wag lang magexpect na malaki yung difference sa price baka naman lugi na sila don. Hehe. And always remember to sound firm but respectful padin. Nagbibigay nga rin pala sila ng discount kapag marami ang kukunin mo.
  • If you’re bringing a car, there’s only a street parking. Hindi yun mall or shopping center gaya ng Greenhills kaya sa gilid gilid ka lang pag-papark-in.
  • Mas mabuting wag nang magsama ng bata hangga’t maari dahil halos lahat don ay babasagin. Pero kung di maiiwasan, make sure to bring something that will keep their attention. Thankfully, nalibang si Jhia sa mga Santa Claus, snowball at iba pang mga display. Yun lang, di maiiwasang hindi niya hawakan which is bawal.
  • Wear your most comfortable clothes dahil hindi naman aircon don at lalakad ka ng lalakad sa maliliit na eskinita.
  • Bring lots of tyaga at pasensya. Expect na masikip so may tendency na maiinitan ka o magkabanggaan sa kasalubong mo. At tyaga sa pagtatanong tanong. Kailangan mo din ng tyaga sa pag-iikot hanggang sa makuha mo ang gusto mo at the best price. Hindi sila pare-pareho ng presyo at discount kaya look around and point to the best.
  • Check the item. Kung sigurado kana sa bibilihin mo, ask for a stock kung meron or i-check mo bago tuluyang ibalot ni ate. Baka pag-uwi mo, may damage pala yung item.
  • Magdala ng sapat na halaga o cash dahil hindi sila tumatanggap ng mga cards, beshy.

Kung ang mga damit may Greenhills, laruan may divisoria, laptop and computer parts and accessories may Gilmore, aba! Meron din pala ang mga Christmas decorations.

Hindi naman kailangan gumastos ng malaki para sa mga pang-dekorasyon sa bahay lalo na kung seasonal. I’ve been wanting to buy Christmas decors pero ang alam ko lang kasi ay sa mga mall at sa sobrang tight ng budget, hindi ko ma-maximize yung konting budget ko and so I always end up na walang nabibilli. Lalo na sa mga malls, they tend to increase the price along with  the demand. Buti nalang may mga thrift shops na gaya nito kung saan marami ka ng mabibili sa isang libo pero same quality ng mabibili mo sa mall.

Kaya kung gusto mo pang magdagdag ng mga pamaskong dekorasyon para sa bahay man o sa opisina na nasa budget lang, Dapitan is the place to go!

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s