Unang Undas

As a Catholic, we used to observe All Soul’s Day by visiting our departed loved ones and lighting up a candle in front of our house. Pero dahil nasa magkakahiwalay na sementeryo sila, we often chose to stay at home, magtirik ng kandila at ipagdasal lamang ang mga yumao naming kamag-anak. Si Mama lang ang dumadalaw sa puntod ng lola ko tuwing ika- 2 ng November para daw lipas na ang bugso ng mga tao sa sementeryo.

For the past three years,  though, we used to spend the holiday in the beach. Holiday e. Saka 2015 and last year, nandito sila ate. We took the chance para magbyahe and to enjoy the beach by ourselves. Kasi nga, wala naman kami masyadong inaalala pag Undas. Tirik ng kandila at padasal, ayos na.

This year was different. For the first time, naexperience ko mag-undas sa sementeryo. Dahil ito ang unang taon na may dahilan na kaming mag-undas doon.

Masaya, in away, kasi parang mini-reunion din. Lahat kaming mga nandito sa bansa ay present dun sa sementeryo para makasama ulit si Papa. Kwentuhan, tawanan, kulitan dahil magkakasama na naman ang mga apo ni Mang Pilo. At syempre, ang mga bagets na itago naten sa pangalang Jhia at Zian ay nag-enjoy din sa malawak na mala-playground nila. If there’s one important thing na iniwan sa amin ni Papa, yun ay yung pagiging close mula sa aming magkakapatid hanggang sa mga magpipinsan. Nakakagaan naman ng pakiramdam na makita yung mga bata na nagsasama sama para alalahanin ang lolo nila.

IMG_2493

Deep inside, malungkot. Malungkot na naexperience ko na ang totoong meaning ng Undas. Hindi sa traffic o sa bulto ng mga tao sa sementeryo. Kundi sa katotohanan na mayroon na kaming dinadalaw kapag Undas; Yung katotohanan na wala na si Papa at doon nalang namin siya makakasama.

Up to this day, I still wish that everything was just a dream. Na hindi totoong nakahimlay sa Papa sa ilalim ng lupang yan at nabubuhay nalang sa mga ala-ala. Although at one point, naiisip ko nalang din that he’s already in paradise, no more pain.

IMG_2490 2

I miss you, Pa.

Pagkatapos sa sementeryo, tumuloy kami ni Jolo sa kapatid ni Papa sa Sta. Maria. Nangako kasi siyang magluluto ng Ginataang bilo bilo at nangako naman din akong pupunta para rin madalaw siya. As usual, nabusog na naman ako ni ninang. Handaan ba naman ako ng specialty niyang Kare-kare. Wala na, may nanalo na!

Kayo, paano kayo nagcelebrate ng Undas?

3 thoughts on “Unang Undas

  1. Di pa ko nakakadalaw sa puntod ng tatay ko. Pero pinupuntahan naman namin sya kahit hindi Undas. Nagcelebrate ako ng Undas sa bahay kasi birthday ko hahaha!

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s