Sampung Taon

Sampung taon. Samoung taon na ang lumipas mula ng araw na yon. Ang araw na ibinigay ko sa’yo ang aking unang ‘OO’.

Sampung taon na magmula nung natraffic tayo sa McArthur Highway. Nakasakay tayo sa bus noon at tinanong mo ako ng mahiwagang tanong, “mahal  mo din ba ako?’ Hindi pala OO ang naging sagot ko kundi ‘ano ba sa tingin mo?

Sampung taon na nating sinusuong ang unos ng buhay. Sampung taon nang sumasabay sa agos ng buhay. Sampung taon ng humaharap sa mga hamon ng buhay ng magkahawak ang kamay.

Sampung taon nang kumakaen ng sabay, natutulog ng makayakap. Sampung taon nang halos magkasama sa lahat ng bagay.

Sampung taon nang hindi nagsasawang tignan ang mukha ng isa’t isa.

Sampung taon nang lumalaban sa buhay ng mgakasama.

Sampung taon nang ikaw at ako lang.

 

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s