Heto na Naman

Heto na naman ako,

Heto na naman tayo.

Paulit ulit ginagambala,

Sa isiping yon ay hindi makalaya

Sa pangyayaring yon at hindi makawala.

Tumatawa kapag may kausap

Okay kapag may kasama

Ngunit kapag naiwan nang nag-iisa

Hindi matahimik ang kalooban

Wari’y binabalot ng kadiliman.

Minsan ayoko nalang pumikit

Minsan pagtulog ay akin lang pinipilit

Dahil sa pagkagat ng dilim

Iyon na naman ang aking naiisip

Iyon ang laman ng panaginip.

At sa pagdilat ng mga mata

Nag-uunahan ang mga luha

Ang sakit na nadarama

Ay wala talagang katulad.

Hangang kailan ang lagi kong tanong

Hanggang kailan magdaramdam

Hanggang kailan maalala

Hanggang kailan luluha ang kalooban.

Ang biglaan mong paglisan

Ay nagdulot ng matinding kalungkutan

At sa pagsapit ng ika-isang taon ng iyong kamatayan

Dulot parin ay pagluluksa.

Alam kong ika’y tahimik na

Ngunit ang hiling pari’y sana magbalik ka

Patawad ngunit bawat araw na lumilipas

Ay mas lalo kitang hinahanap.

Napangainipan ko na naman yung burol mo, Pa, at sa paggising ko, umiiyak na naman ako dahil ang sakit maalala ng lahat ng pangyayari ng mga araw hanggang sa maihatid ka sa huling hantungan. Kayang kaya ko pang idetalye lahat. At aiguro yon ang napakabigat sa loob ko.

Haiiii..

2 thoughts on “Heto na Naman

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s