Our DIY King

Papa – he can fix almost everything. He has a vast knowledge of DIY things, especially at home.

He built our house out of scrap materials from their projects back during the Modern Metal (their business) days. We started from scratch – from our home being just a mere building of hollow blocks. Over the years, when there’s enough budget, they were able to renovate each part one by one. Yung sahig namin dati, semento lang. Yung mga pader, nagsimula kami na wala pang palitada. Yung taas, dati wala pang kisame.

His engineering skills, despite not having a degree, is superb. Yung tipong hindi tinuturo sa school.

He can make useful things at home out of scrap materials – whether steel or plywood o kahit na anong kahoy at kayang pagtagpi-tagpiin. Kahit na tela pa.

Kapag may problema sa bahay, siya lang ang gumagawa. He instantly becomes tubero, repair man, carpenter, electrician. Siya ang nag-aayos ng electrical wirings at connection sa bahay. Pwede ding taga-ayos ng sasakyan.

He can restore old items such as electric fans, sirang upuan, lumang sofa, cabinets, kaya niyang gawan ng paraan yan.

Kaya niyang magsemento, gumawa ng kulungan ng aso, magpintura. Siya lang ang gumawa ng dirty kitchen namin at ng mini-pond sa harap ng bahay namin. Oha!

IMG_0847

IMG_0848

He’s a good gardener. Siya ang katulong ni mama maglipat ng halaman, magbungkal sa mini-garden.

IMG_0851

He also do household chores. He cleans the bathroom, kitchen, the whole house!

Most of all, he’s the master of cooking at home. Nobody cooks the way he does. Incomplete ingredients? NO problem, kaya niyang gawan ng paraan ang mga rekado and will still turn out na masarap. Kaya kahit diet ka, makakalimutan mo yan kapag ipinagluto ka niya. Kung pagod ka, luto niya lang ang katapat mo. At kung maysakit ka at walang gana, mawawala yan sa luto niya. He prepares special menus with or without occasion.

He is indeed our king of DIYs.

Days before he left, he was busy fixing things around our home. Naglinis ng bahay, nag-ayos sa kwarto nila, sa cabinet niya. Inayos niya yung garden and came up with a small christmas tree outside. I even remember arguing with him kasi magsesemento na naman daw ang lolo niyo. E may naglalaba non. That’s our last argument. Sino ba naman ang makakapagsabing hindi na pala yun masusundan. Sa sobrang pagod niya yata napahimbing na ng husto ang tulog niya.

I miss you, Pa. I miss having small fights with you. I know you’re had a better boodle fight up there. You can eat as many as you can now. Happy father’s day! We love you!

IMG_6004

 

 

 

2 thoughts on “Our DIY King

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s