I Keep Coming Back

It’s been six months since that day but I keep coming back to the day you went away.

IMG_1632

Dear Papa,

Simula ng araw na yon, walang araw na hindi ako bumalik doon. Walang araw na hindi kita naisip. Walang gabi na hindi kita napanaginipan. Kung alam mo lang, ang dami nang nagyare pero sa bawat kilos, bawat okasyon, bawat lugar, bawat sulok ng bahay, naalala ka namin.

Tuwing umaga, paggising ko, pinapakiramdaman ko si mama. Tuwing tanghali at makatulog siya, inaabangan ko siyang gumising. Kapag oras na para kumaen at tulog pa siya, hinihintay ko siyang bumangon. Kahit kay Jolo at kay kuya, ganon ako. Tuwing magigising ako ng alanganing oras, tinitignan ko si Jhia. Kasi natatakot ako baka gaya mo, humimbing din ang tulog nila. Na-trauma na siguro ako.

Tuwing oras ng pagkain naiiisip kita. Alam mo bang naglilista na ako ng luto araw araw para hindi pault-ulit ang ulam? Hehe. Medyo nahihirapan kami mag-adjust kasi alam mo naman, limited lang ang alam naming luto ni mama. Madalas, napipilitan nang magluto yung dalawang Jolo para maiba naman ang ulam namin. Nung isang araw, nagluto si mama ng adobong atay at balun-balunan na nilagyan ng noodles. In short, pansit. Natatakam daw kasi siya. Alam kong namimiss ka niya. Wala kasing marunong samin magluto ng pansit gaya ng sa’yo. Kahapon, siguro dahil sa Lumpiang Sariwa na sarap na sarap sila Wally at Jose sa Juan for All, ALl for Juan naisip na naman kita. Hindi na ako nakatikim ng lumpiang hubad simula ng mawala ka. Sana sa susunod na panaginip ko e ituro mo sa akin ang pagluto non. Uy ha! Nagluluto ako minsan kapag hindi sobrang clingy si Jhia. Isipin mo nalang kung gaano kadalas yung minsan na yun.

Tuwing maglilinis ako naiisip kita. Nung nandito ka, nagwawalis at lampaso lang ako. Hindi pa minsan dahil ikaw na ang gumagawa habang nagpapatugtog ka ng mga paborito mong classic music at instrumental songs. Ang sipag mo nga pati yung estante lagi mong inaayos. Yung mga gilid gilid. Diretso na yun hanggang banyo at kusina. Syempre, ako na ang gumagawa nun ngayon. Maging proud ka saken!! Haha. Hindi ko araw-araw nagagawa lahat yon pero wala namang ibang nakatoka diyan kung hindi ako. Si Jhia? Naaliw kay Barney, Rapunzel, Elsa at Anna.

Speaking of Jhia, makulit at madaldal na, sobra! Sayang, di mo siya naabutang ganito kakulit. Malamang isa ka sa takbuhan at sumbungan niya at kasama sa mga paborito niyang inis-inisin at loko-lokohin.

Sa gabi bago ako matulog, ikaw ang huling naiisip ko. Parang gabi-gabi nagfflashback sakin yung pangyayari nung araw na yun – mula pagmulat ng mata ko hanggang sa pagsara nito nung hatinggabi na, na pilit pa. Kung paanong hindi ako makapaniwalang ikaw yung pinaglalamayan namin nung limang araw na yun; Na sa tuwing makikita ko yung pangalan mo sa tarpaulin e kinukurot ko ang mga pisngi ko dahil gusto kong maniwalang nananaginip lang ako; Na kapag kumakanta yung mga mandarasal na dati rati ay music to my ears pero nung mga gabing yun e parang ang sakit sa tenga kahit hindi naman sila sintunado. Ang sakit sa puso. Kahit hanggang ngayon, kapag nakakarinig ako ng mga pang-simbahang kanta, naiiyak padin ako at ikaw padin ang naiisip ko. Madalas kong napapanaginipan yung burol mo. Minsan, weird na nandon ka bilang buhay, minsan.. ewan, hindi ko maintindihan. Kinokonsensya mo ba ako kasihindi kita tinignan nung burol mo?

Kahit saan ako magpunta, Pa, naiisip kita. Na sana kasama ka namin sa roadtrip, sa beach, sa Marilao, sa Ningnangan, sa Manaoag, sa Baguio, sa lahat ng puntahan ko kahit diyan lang sa kanto. Sana kasama pa kita. Kapag may kailangan akong lakarin, wala ng nagddrive para samin ni Jhia lalo kapag may pasok yung dalawa. Si mama hindi na rin laging makalaais kasi ang hirap naman dalwa silang akay ko.

Hanggang ngayon iniisip ko parin kung bakit ang hindi ka na nagpagising. Pero gaya nga ng sabi mo, ok ka na, tapos na ang misyon mo. Kaya lang namimiss ka namin. Always, all ways.

Sa totoo lang, masakit, mabigat sa loob kong isulat to. Ang next na blog entry ko tungkol sayo ay dapat talaga sa death anniversary mo pa. Pero napanaginipan na naman kita kagabi. Pa, hindi ka naman namin nakakalimutan. Araw araw talaga naiisip ka namin. Araw-araw, namimiss kitang awayin namimiss kita. Hindi ko naman gustong bumangon ka diyan at magpakita samen, alam mo namang takot ako hehe. Nakakatawa ba kung sasabihin kong iniisip kong pinapanood mo kami from there at alam kong alam mo ang ginagawa at iniisip namin? Sa tuwing iiyak ako sa banyo inisiip kong naririnig mo ako.

Pero Pa, ok naman kaming lahat dito except sa miss ka namin. Yung mga bata madalas naman dumadalaw dito lalo na sila Louise. Kapag nandito sila naiisip ko ba’t hindi ganon nung nandito ka pa. Aray ko na naman. Pero alam mo namang mahal ka nila diba? Naalala ko din kung pano sila lahat umiyak nung nawala ka. Pa, lahat sila mahal na mahal ka at miss na miss ka.

IMG_0685

Matagal tagal pa yung panahong makakasanayan naming wala ka. Araw araw tinatanong ko sa sarili ko kung hanggang kailan kita maiisip at hahanap-hanapin. Minsan kasi akala ko tanggap ko na pero yun pala hindi padin talaga e. Minsan, tinatanong ko yung sarili ko kung bakit kailangan pagdaanan namin to. Bakit kailangan lumipas yung mga araw na mabigat sa masakit sa loob kasi wala ka. Kaso wala naman akong nakukuhang sagot pa.

I miss you, Pa. Sa bawat paglubog ng araw inisiip kong darating din yung panahon na magkakasama tayo ulit.

IMG_0987

PS. Sabi ni ate, gawan kita ng slide. Sorry Pa, nung time na yun hindi ko talaga kaya.

 

 

 

 

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s