Mataba Ako. Ano Naman Sa’yo?

I was just thinking about posting this when I happened to read FHM’s article about fat shaming issue with a certain Franco Mabanta. And seriously, I’m confused.

Okay, I have a niece who is a plus size. At 16, she’s being forced by her parents to have an active lifestyle and be on a strict diet to lose weight but it seemed like nothing works. She’s a varsity player of Badminton who completely attends her training everyday. Believe me, maganda ang katawan niya. Proportion. Her mom, my sister, forces her to eat just a little amount and to be involved in different activities if she’s not on training. Apart from that, she’s shamefully being called mataba. Nung nagpagawa ng gown for her prom, their words were ‘yung gown na gusto mo hindi bagay sa’yo kasi mataba ka’; ‘Hindi ka magdedebut hanggat hindi ka pumapayat’; ‘Ayan, hindi magkasya sa’yo kasi ang taba taba mo’.

Okay, I can feel my BP going up at this point.

Because, really? You need to shame her like that? Regardless kung sino ang nasa paligid, kailangan bang mamahiya?

Going back to Franco – whoever he is – he said that he’s not against body shaming. May point naman siya. Sabi niya, kasi kailangan natin alagaan ang katawan natin. Sinabi niya na hindi tayo dapat maging taba, that we should move and love our bodies.

Pero may foul. Well, at least for me. Hindi mo ako kailangan ipahiya para lang mamotivate akong kumilos ata magpapayat. After all, not all thin and skinny are healthy.

I have a friend, sa aming apat siya lang ang payat. Lagi niyang pinopoint out yun na kami mataba siya payat. Pregnant siya ngayon and she was advised to eat more because she is underweight.

You see, for every thing there is an equal and opposite reaction. Charot. Seriously, lahat ng bagay may pros at cons. Hindi naman porke mataba e unhealthy na. May payat din namang unhealthy. And gaya nga ng nabasa ko sa comment dun sa article, you just don’t know that some of these fat people has an underlying condition in which talagang tataba sila.

Going back to my niece, I forever hate my brother-in-law for shaming her repeatedly thinking it would motivate her only daughter. NO, NO, NO! One, it can cause depression and low self-esteem. Two, pwede siyang ma-bully dahil don. E sarili niya ngang tatay binubully siya e. Three, and most of all, it’s just doesn’t inspire her at all. Instead, parang lalo lang siyang nasasabik na kumaen and live the life every teenager should. For all he know, hindi na nag-eenjoy yung bata because her move is very limited.

As Franco’s intention is clean and not to offend, it’s just not the effective way for everyone. Fat shaming isn’t the right way to ‘motivate’ people to lose weight and live a healthy life.

As for me, mataba ako, yes. Years ago, I was called payat, butiki, patpatin. I felt weak back then, gaya ng lagi nilang sinasabi. For some reason, hindi ko mapataba yung sarili ko.

Ayan ung pictures ko nung college ako. Ang pangit ko. I feel bad about myself kasi ang payat at ang pangit ko. Kailangan ko pa ngumiti sa pics para kunwari may pisngi ako. Ganun yung feeling ko dati.

Nung nagkatrabaho ako, that’s when I started gaining weight. Masaya ako nun. Finally, di na ako mukhang bangkay na naglalakad. Tumataba na ako. Madami na naman akong narinig. Kesyo ang taba ko na daw, kain daw ako ng kain. I was like, ‘for real?

576603_3511994605044_99953060_n
Sorry medyo blurred. Nananaba na ako dito.

When I gave birth, however, medyo pumayat ako ulit. Feeling ko na naman yung tingin sa ken ng tao, kawawa. Kumakaen daw ba ako. Huhu. Eto na ako ngayon.

Wala pa naman ako sa plus size. I still fall under medium to large. TOTOO!

Nung payat ako magpataba daw ako.. Nung tumaba ako, magpapayat naman daw ako.

SO mataba ako. E ano naman? Hindi ako payat, hindi ako sexy. E ano naman? A neighbor once told me na nanay na nanay na talaga ako. True naman, I’m a mother. E ano naman? I don’t need to be sexy and pretty just to please you, people. I’m not asking you to like me, after all. Hindi ko rin naman ikakaganda kung papayat ako. Kita niyo naman diba? Ang. Pangit. Ko.

We live in a perfectionist world that is full of imperfections. Kaya para saken, di ka dapat magpadala. Nakakamatay ang insecurities, oo. Pero being mataba is not as bad as if you commited a crime, tulad ng gustong iparamdam ng mga tao sa  paligid mo. Hindi masamang maging mataba, okay? E what if ganon na talaga yung built ng katawan mo? Healthy naman yung kinakaen ko pero talagang malaki ako e. Ano’ng gagawin ko?

Mataba ako ngayon. OK, thanks! Mayaman kasi ako sa pagkaen. CHAR! Pero seriously, as long as you know you’re eating healthy, wag kang masyadong maconscious. Siguro, add the fact that I’ve grown tired of all the perfectionist stressing on my imperfections kaya nasasabi ko to. Tama na, please? You have no idea what I’m going through.

AND, no to fat shaming. It doesn’t help at all. Maybe it worked for you but not on me so please stop pointing on my weaknesses and telling me what to do.

It’s hard being me. Pagod na ako, don’t add to it. I am making my move into self betterment and what – or how – ever I want to do it, just leave it to me.

This is me, I am myself so just go away and take care of your own self.

STOP BODY SHAMING.

2 thoughts on “Mataba Ako. Ano Naman Sa’yo?

  1. Grabe naman yung brother-in-law mo. Ang sakit sa tenga! Minsan talaga kasi kahit maganda yung intention natin, pag pangit ang pakakasabi pangit pa din. 😀 Tigilan na talaga dapat yang body shaming!

  2. “We live in a perfectionist world that is full of imperfections.” – Agree ako dito. Parang kelangan maging perpekto tayo sa mapanghusgang mundo. And yes, no to body shaming. Shame on them! 😄

    Grabe, ang payat mo pala dati Jhem? Underweight ka ba nung mga panahon na yun?

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s