Blanko

Gusto ko talaga magsulat e.

Gusto ko talaga magkwento.

Gusto ko talaga to ilabas kasi ang bigat e.

Pero wala!

Wala na yung tatay ko.

Wala akong masabi. Wala talaga akong maisip.

Ni hindi ko din masabi kung ano’ng nararamdaman ko.

Ang hirap pala ng ganito.

Umaasa akong makikita ko yung mukha niya kung saang kawalan man ako tumingin.

Umaasa pa akong maritinig ung pag ubo niyang parang naging habit niya na.

Umaasa akong pagbukas ng pinto mukha niya yung makikita ko.

Kahit hindi ko sigurado kung ikakatakot o ba o ano.

Ang hirap naman.

My father passed away this morning. Hindi na siya gumising. He was already unresponsive when we brought him to the hospital. The doctors still tried to revive him pero wala na talaga.

5 thoughts on “Blanko

      1. Naalala ko kasi ang tatay ko 5 years ago biglaan din tapos bday ko pa, sobrang lungkot nun. Malayo kasi ako sa kanya kasi sa ibang bansa ako nag ttrabaho kaya yung mga last days nya wala ako dun. Pero alam mo magiging ok din ang lahat.. yung masasayang memories na lang na kasama ko sya un ang iniisip ko.. nawawala na yung lungkot. Sabi nila time will heal.. pero 5 years na nakalipas.. pero minsan naiisip ko sana may tatay pa din ako. Hala haba na pasensya.. pag tatay kasi pinag uusapan nag iiba ang aura ko. Kaya natin to.

        1. Hindi ko siya tinignan sa kabaong kasi ayokong maalala yung itsura niya dun. Ang gusto kong makita pag pipikit ako yung memories niya nung buhay pa. Di ko talaga siya tinignan hanggang huli. 😭 thank you for sharing.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s