Random Fandom

1. Hindi talaga ako normally mareklamong tao (at palamura) pero t$ng£n€ bes! Ang lupet ng traffic sa edsa! Punyetang edsa yan! To think Sabado ngayon. Pucha mas mabilis pang nagcharge yung cellphone ko kesa sa usad namin e. 59% yung cellphone ko nasa Q. Ave kami. Leche 92% na yung battery nasa Cubao pa lang kami. WTF! Gusto kong sigawan lahat ng nasa edsa kanina. Pramis.

2. Minsan yung wala, sila yung galante. Yung feeling mayaman, madamot ng slight. Okay, more than slight. Haha naisip ko lang naman. Yun kasing in-law ko na feeling mayaman, ayokong nanghihiram dun ng kahit na anong gamit. Kasi wala, ayoko lang makarinig ng kung ano. Kaya, hindi ko talaga ugaling manghiram. Kaya lang kasi kanina, since medyo hindi kami kasya sa kotse kung isasama yung isa kong kapatid, in-offer ng pamangkin ko yung sasakyan nila. Sa isip isip ko, as if namang papayag yung ama niya. Yung ina nga niya no comment. Naramdaman ko pang binigyan sya ng tumigil-ka-dyan look. As if namang papayag din ako. Thank you na lang din. Hehe.

3. Jusko lahat sila KO bakit ako hindi dalawin ng antok? Mag alas dos na heto at nagttype padin ako.

4. Kanina pala, medyo naweirduhan din ako. May nabasa akong article about how Sharmaine and Nonie Buencamino is coping up with their daughter’s death. Medyo naluluha lang ako habang binabasa yun. Just ws teary eyed din ako habang nanonood nung kay Maine Mendoza kanina. Kahit hindi naman daw nakakaiyak sabi ng ate ko, parang nararamdaman ko lang yung depression struggle niya dun sa palabas. Yung anak ni Nonie at Sharmaine Buencamino, si Bestie na npanood ko dati sa OMG, nag-suicide yon habang on going yung show.

5. Ang dami ko talagang gustong isulat kaso yung ipad nakay ate. Yung laptop, di ko na makikita yung keyboard since madilim na sa kwarto. At baka din magising si Jhia. Kaya iipunin ko nalang muna. Nagta-type ako ngayon gamit ang cellphone. Ang hirap teh!

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s