Pair-fect

I’ve always been fascinated with love stories. Nakakatuwa kasi lagi akong napapaisip na ang galing ng tadhana, ang galing ni God. Kasi napagpapares nya yung mga tao. Alam mo yun?

Yun tipong dati wala ka naman sineseryoso tapos may darating na taong bigla ka mo nalang mabubulong sa sarili mo ‘sya na’.

O kaya yung pagod ka na kakahitay kay the one tapos biglang darataing sya sa panahong di ka na naghihintay.

O yung pag nasaktan ka emotionally ayaw mo na biglang may darating na kahit pa ulit ulit kang saktan, kayo padin naman talaga in the end.

Ang galing lang no?

Pero naisip ko, ang pinaka nakaka-amaze sa lahat e yung tipo ng taong nasa kanya lahat ng bagay na hindi mo gusto, pero in the end, sya pala ang nakalaan sayo.

Wala lang. Lagi ko lang naiisip yun.

Swerte mo kung natagpuan mo na yung taong para sayo.

Kung nag-aabang ka pa, wag ka ng mag-abang kasi darating sya sa panahong petiks at relax ka lang.

Kung naghahanap ka naman, wag nang palinga linga. Baka nasa harap mo lang sya.

Kung umiiyak ka naman e sige lang. Sorry daw sabi ni kupido, mali sya ng napana para sa’yo.

Hindi ko talaga alam kung bakit ko sinusulat to.

Pero kakabasa ko lang kasi ng kwento ng isang kaibigan tungkol sa asawa nya. Tapos naisip ko din yung jowa ko. Ay, asawa ko na nga pala!

Pero hindi ako magkkwento ng love story namin. Hehe.

Naisip ko lang..

Kapag talaga mahal mo ang isang tao, kahit ano’ng ayaw mo sa kanya, mamahalin mo padin sya.

Kahit na ano pa ang pinagdaanan nya, sasama kang pagdaan yung pagsubok na yun.

Kapag totoo ang pagmamahal, merong ‘kayo’ sa lahat ng bagay.

Walang ‘pinagdadaanan nya’ kasi lahat yun ‘pinagdadaanan nyo’.

Walang ‘ayaw o gusto nya’ dahil puro ‘ayaw o gusto nyo’.

Lahat ng bagay tungkol sa inyong dalawa, walang siya o ikaw.

Yung hati kayo sa huling piraso ng tinapay na meron sa hapag nyo.

At kahit na hindi kayo magkasundo sa maraming bagay, ok lang kasi nandun talaga ang compatibility nyo.

(Hindi pala totoo yung akala mo nung hayskul na dahil parehas kayo sa lahat ng bagay e compatible na kayo)

Oo, naisip ko yun nung nakilala ko si mister. Kasi lahat ng ayaw ko, nasa kanya. Lagi kaming magka salungat.

Pero.. Mahal ko sya at mahal nya ako.

At sya yung taong gusto kong makatabi sa pagtulog at inisin bawat umaga ng buhay namin hanggang sa hindi na kami magising pareho.

Ganun pala ‘yun.

Ang tunay na pagmamahal, bigla nalang dumarating. Hindi sa panahong kailangan mo, hindi kung kelan hiniling mo. Basta, magugulat ka nalang, surprise! Magigising ka nalang isang araw at maiisip mong ayaw mo nang mawala ang taong yon sa buhay mo.

*insert BGMSC: TADHANA*

Wala lang, naisip ko lang talaga to. Pinagpalaman ko kasi sya ng tinapay. Ang sweet ko diba? Haha. Pagbigyan nyo na, minsan lang naman e.

14 thoughts on “Pair-fect

  1. I experienced meeting a guy. Akala ko siya na. Ganito rin kasi nafeel ko. Iyong hindi ko siya type. Hindi siya matalino gaya ng gusto ko. Hindi siya talented o magaling sa sports gaya ng gusto ko pero siya ang nagustuhan ko. Pero ngayon kasi, zero pa rin. Hahaha. Pero malay natin diba?

    1. Iba yung ganyang level kapag sya na. At marerealize mo lang yun kapag nandun kana sa point na narealize mong siya na. Haha wait, anong sinabi ko? šŸ˜‚āœŒ

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s