Nine Facts About Us

1. Bago kami magkakilala sa council nung 2008, naging classmates kami sa PE Arnis 1st sem ng 2006. Natatandaan ko sya kasi nagiging magpartner kami sa activities. No. 5 kasi sya at 10 naman ako, magkatapat kami sa pila kaya sa get your partner part, kami yung natataon. Lagi ko syang napapansin noon kapag darating sya kasi may dala sya laging makapal na libro. ‘Nerd’ I’d always thought.

2. Dunkin’ donut ang una nyang pasalubong saken. Out of nowhere, nagjoke lang ako sa kanya nung araw na yun kasi lalabas sya ng school. Sabi ko ‘pasalubong ha’. Tinanong nya kung ano’ng gusto ko. Sabi ko naman donut. Aba, bumili nga! Di pa kami nun. ‘Friends’ pa lang kami.

3. Sa Jollibee kami unang nag date. What do you expect? Estudyante e. Wala na yung Jollibee branch na yun ngayon.

4. Na-phobia ako sa ringtone na Plants vs. zombies. Yun kasi ang ringtone ko nung may tumawag saken para ibalitang hindi sya pumasa sa unang board exam nya. Simula nun feeling ko na laging may masamang mangyayari kapag naririnig ko yun. Hindi ko na ulit yun ginamit.

5. Dalawang beses sya nagpropose saken. 1st is nung anniversary namin ng 2012, nung nasa Puerto Princesa kami. 2nd nung birthday ko nung sumunod na taon.

6. We got married on our 6th anniversary sa simbahan kung saan kami nagsisimba dati. Sya yung unang boyfriend na nagyaya sakin na magsimba. 2nd monthsary namin noon. Ayun, dun kami nagpakasal.

7. Dalawang beses ko sya nakitang umiyak – 1. Nung bumagsak sya sa board exam; 2. Nung nakunan ako.

8. Pinagtalunan namin ng husto ung pag add ng ‘Ma.’ sa pangalan ni Jhia. Actually, ang haba ng nalista namin bago nakapili ng pangalan nya. Kasi pag may gusto sya, ayaw ko. Yung gusto ko, ayaw nya.

9. Talikuran kami matulog. Di ko alam kung bakit. Hehe.

Tama na yan. Nine years palang naman kami kaya nine lang yan. Next year na yung pangsampu. Magdidiskubre pa ko ng mga bagay tungkol sa kanya.

Wala, naisip ko lang to. Hindi lang talaga kasi ako makatulog. Alas dose na.

 

PS. Nine years simula nung maging kami. Ang ‘adBONtures’ nagsimula lang nung kinasal na kami. Dun lang naman ako naging official na BON e. ♥

4 thoughts on “Nine Facts About Us

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s