Seven-Eleven❤️

Looking back, minsan gusto ko nalang maiyak.

Feeling ko lang ang dami nang pinagdaanan. Ang dami nang nahiling, ang dami nang nasabi at nagawa. Minsan, nakakapagod ang mga pangyayari sa paligid. Minsan, nakakapagod maging ako.

Pero madalas, ang sarap isipin na may isang tao na sa mga panahong kailangan mo ng masasandalan, bigla nalang sya lalapit at yayakap out of nowhere. Minsan, nakakainis sya, oo. Pero he’d come by surprise at the time you least expect him to. And yes, un yung time na in doubt ako sa sarili ko at sa mga bagay sa paligid ko, pagod na ko o nilalamon ako ng kabaliwang insecurity ko. Kaya minsan pagyakap nya, gusto nalang tumulo ng luha ko.

Almost eight years and we’re still rockin’ the world! Char. Naisip ko lang, habang buhay kong ipagpapasalamat kay Lord na binigay nya saken ung taong matagal kong hiniling sa kanya, may bonus pa. Hindi ako perpektong tao pero alam ko I was created to be perfect for him. Char ulit! Ang swerte ko kasi sobrang love ako ni Lord, na binigyan nya ko ng taong kakainisan but at the same time mamahalin ko at mamahalin ako araw. Sana kahit ilang taon pa ang lumipas, kahit ilang pagsubok pa ang dumaan, kahit anong away at di pagkakaintindihan ang dumating, kahit sino pa ang makilala, kahit anong chuchu pa ang mangyari, let our love be strong and stay true to our promise na “till death do us part”.

Wala lang. Hindi naman namen anniversary, one more month. Ang hirap lang pala ng gising sa madaling araw, ang daming naiisip.

At wala lang ulit. Nagising kasi sya ng 130am habang hinehele ko si Jhia at bumati ng “happy monthsary”. ❤

PS: di naman to part ng post partum depression diba? More like post partum arte? Char. ✌

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s