Minsan

11037283_10204224376316069_54172841259965939_n

Minsan, gusto mo lang umalis, lumayo
Makalanghap ng sariwang hangin
Isigaw sa mundo kung ano man ang nagpapabigat sayo.
O pumunta sa tabing dagat
At nais lang marinig ang pagaspas ng alon.
Minsan gusto mo lang talaga ay humanap ng katahimikan
Sa mundong puno ng iba’t ibang ingay
Minsan kasi pakiramdam mo ito nalang ang tanging paraan
Upang maibsan ang bigat ng iyong nararamdaman.
Minsan gusto  mo lang mag-isa
Para makapag isip isip
Lumayo sa mga taong sa tingin mo ay nagpapasakit sayo.IMG_9984
Minsan gusto mo lang tumakas mula sa masikip na mundo,
Gumawa ng bago at sarili mo, yung sa’yo.
Minsan gusto mo ding magpaturok ng sandamakmak na anesthesia
Maging manhid ka lang sa lahat ng sakit na nararamdaman mo.

Minsan, yung totoo?
Gusto mo ding tumakas, itigil na ang buhay mo.
Dahil sa lahat ng hirap, sakit at bigat ng nararamdaman mo
Pakiramdam mo walang nakakaintindi sa’yo
Walang handang makinig sa’yo
Dahil nasanay sila na ayos ka lang lagi
Pakiramdam mo nag-iisa ka na lang sa mundong ito.

Pero hindi mo gagawin yon.
Masarap umakyat ng bundok at makalanghap ng sariwang hangin
Masarap pumunta sa dagat at pakinggan ang hampas ng alon
At sa totoo lang
Masarap padin magmahal
Kahit na minsan hindi nasusuklian.

IMG_2683

 

…masarap pa ding ngumiti at gumawa ng bagong alaalang maari mong dalhin sa kabilang buhay.

 

wp sign2

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s